16 June 2017
INTERVIEW TRANSCRIPT
STATION: DZMM
PROGRAM: DOS POR DOS
HOST: ANTHONY TABERNA AND GERRY BAJA

 

     
 

ANTHONY TABERNA (AT): Senator Chiz Escudero, magandang gabi po sa inyo.

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Ka Tunying, Gerry at sa ating mga listeners magandang gabi sa inyo. Good evening.

AT: Nami-miss ninyo rin ba kami, Senator?

CHIZ: Minsan.

AT: (laughs)

CHIZ: (laughs)

AT: Happy Father's Day po, Senator.

GERRY BAJA (GB): Happy Father's Day sa inyo.

CHIZ: Maraming salamat, gayundin sa inyo. (laughs)

AT: Si Senator Escudero po ang chairman ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies. Iyon pong problema ng BPI, hindi pa nila fully na nakukumbinsi ang mga customers doon sa sinasabi nilang solusyon ay heto naman may problema raw po ng konti sa BDO? Ano ba ang nangyayari sa banking system natin?

CHIZ: Magpapatawag kami ng pagdinig sa June 21 para ilahad sa publiko ang katotohanan sa likod ng mga nagiging problema ng dalawang bankong iyan. Para maiwasan na iyon Tunying, Gerry, iyong mga espekulasyon kaugnay sa dahilan. Para mawala o mapawi iyong panic at alang-alang sa mga kababayan natin. Dahil dapat pag-ingatan natin iyong ating banking sector. Ang BDO ang pinakamalaking bangko sa bansa at ang BPI ang pangatlong pinakamalaking bangko sa bansa. Hindi marapat na hayaan na lamang nating kumalat ang mga tsismis, o minsan pa nga fake news kaugnay sa bagay na iyan.

AT: Ito po bang nangyari, unang-una, unahin muna natin iyong BPI. Kumbinsido po ba kayo o, at I am sure mayroon din kayong mga sources sa banking sector na ito'y simpleng glitch lamang, o baka ito ay gaya ng pangamba ng iba, ay ito po ay kaso ng hacking?

CHIZ: May initial reports na ako kaugnay ng bagay na iyan kaya nakipag-ugnayan na ako sa mga opisyal ng BPI gayundin ang Bangko Sentral. Ayaw ko lang pangunahan Tunying iyong kanilang final report. Dahil alam ko matatapos na iyong imbestigasyon nila sa linggong ito. Inaasahan ko na sa Martes, ipi-present na nila iyong kanilang final report. Pero pwede ko na sigurong sabihin na hindi papunta sa direksyon ng hacking iyong nangyari sa BPI.

AT: Ano po? (laughs) Sabihin ninyo na sa amin, kung hindi naman mako-compromise iyong kanilang investigation.

CHIZ: Sa pagkakaalam ko, dala ng hindi pa nga pinal Tunying, nagkaroon ng error doon sa parte nila na-identify at ni-rectify din nila noong araw na tumunog din. Kung hindi ako nagkakamali. Nais ko ring sabihin Tunying, Gerry, iyong nagsasabing Php12.4-B nadagdagan iyong kanyang account. Medyo imposible iyan ano.

AT: Ganoon po.

CHIZ: Kasi ang apektadong transaksyon dito, ay transaksyong nangyari sa loob lamang, sa loob lamang ng limang araw. At para magkaroon ka ng 12.4 billion, dapat nagdeposito ka sa ATM, sa ATM ng ganoong halaga ng limang araw na iyon na medyo imposible naman yatang sumaksak sa ATM ang ganoong kalaking pera.

GB: Imposible nga iyon.

AT: So human error pala ito.

CHIZ: Opo pero pina-finalize pa yung desisyon para marule-out. 'Yung imbestigasyon, para ma-rule-out po talaga lahat ng posibilidad na ito'y walang kinalaman sa pinapangambahan ng iba. Kaya siguro mas maganda, antabayanan na lang natin yung kanilang final report para talaga 'yung level of confidence nila doon ay mataas na at hindi sila masabing nanghuhula.

AT: Tama po ba Tuesday po ang hearing?

CHIZ: Opo sa darating na Martes dahil kailangan namin mag-comply ng three-day notice rule. Kaya pinalabas namin'yung mga notice kaninang hapon.

AT: OK, 'yun pong sa video.

GB: Meron daw pong mga ilang ATM naman na na-compromise base sa mga report na kanilang natatanggap.

CHIZ: Sa pagkakaalam ko Gerry, Tunying, ito ay base sa mga complaint na isinampa sa BDO. Ngayon kung totoo nga ba ang complaint o hindi, kailangan pa ng kaunting panahon ang bangko para i-process yan. Alam ko na in a matter of one to two days kayang i-process 'yan. Ganoon na sila ka-sophisticated, kaya nilang ipakita sa iyo lahat ng transaksyon mo in the course of the past week, in the course of the past month, at kaunting panahon pa isa o dalawang araw pa, kaya pa nga nilang ipakita aling ATM machine ang pinuntahan mo at 'yung CCTV doon ay makikita din kung ano'ng oras nagpunta roon. Kung talaga nga na nawala yung pera mo na hindi ikaw mismo ang nag-withdraw. Kasi minsan, nakakaligtaan na meron ka palang winithdraw nung ilang linggo na ang nakakalipas.

AT: Napakaimportante talaga na hindi mawala ang kumpiyansa ng publiko sa bangko, Senator ano.

CHIZ: Kaya magiging maingat kami Tunying sa pagdinig na ito, 'yung mga confidential matters, may secrecy of bank deposits pa rin tayo. Bagaman pinapa-repeal ko yan, ay pag-iingatan namin. 'Yung kanilang computer system hindi rin pwedeng pag-usapan sa publiko dahil baka maging daan pa kami para may magawa pa nga at mangyaring mas masama. So hangga't maari lilimitahan namin yung pag-uusapan tungkol sa nangyari at kung kinakailangan ay mag-executive session kami kung may maseselang bagay na kailangan ihayag o sabihin sila sa amin.

GB: Ang Bangko Sentral ho ba ay kasama diyan?

CHIZ: Imbitado ang Bangko Sentral, sa katunayan Bangko Sentral po ang nag-iimbestiga at inaasahan naming ang kanilang report sa darating na linggo.

GB: Tsaka 'yung ano, hindi ba may ahensiya na tayong may kinalaman sa computer.

AT: 'Yung Nintendo.

CHIZ: (laughs) 'Yung DICT po. Subalit 'yung software na ginagamit ng ating mga bangko, mas nasa regulasyon at superbisyon ng BSP. Meron silang minimum qualification at minimum standard para diyan na hindi necessarily alam o saklaw ng kapangyarihan ng DICT, na bagong create lamang at tama rin lang na para maging confidential 'yun at nasa loob lang ng sirkulo ng bangko mismo o ng BSP lamang.

GB: Ito may isa pa pala ano, National Privacy Commission. Meron pala tayong ganire.

CHIZ: 'Yung National Privacy Commission p ay patungkol sa personal data na isinusumite natin kapag nagfi-fill-up tayo ng form, kapag nagfi-fill-up tayo ng mga imposrmasyon sa internet. Iyan po ang pakay ng National Privacy Commission. Para matiyak na kapag sinabi ng web page, o ng internet, na confidential iyung impormasyon na ilalagay dito, totoo ngang meron silang system processes para mapanatiling confidential talaga ang impormasyong ibibigay mo at hindi lalabas sa publiko.

GB: Ito merong pahabol na mga tanong Kumbachero, Senator, si Mommy Beng Tan. May bill ba kayo regarding interest penalty reduction on credit cards? Ano daw ba ang status noon?

CHIZ: Pending pa po sa Committee on Banks. Nag-initial hearing na po kami. Ni-refer na po namin sa Technical Working Group. At inaasahan po namin na iyong committee report ay lalabas nitong recess. Hopefully, mapapirmahan na po namin sa mga miyembro para mai-report-out sa plenary by the time mag-resume ang session nitong July 24. Zero backlog kami Gerry sa aming komite. Lahat ng bill ay dininig namin. In fact, isa lang ang bill na pending pa sa amin na didinggin ko din sa June 21.




<BACK>

 

 

 

Copyright 2016. ALL RIGHTS RESERVED Office of Senator Chiz Escudero